Isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tinamaan na ang jackpot na mahigit sa ₱378 milyon sa isinagawang Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 26.

Sa Facebook post ng PCSO, nahulaan umano ng sinasabing nag-iisang nanalo ang kombinasyon na 20-17-12-29-10-46 na may katumbas na premyong ₱378,750,791.20.

Hindi na binanggit ng PCSO kung taga-saan ang naging instant milyonaryo sa nasabing partikular na lotto draw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20