Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 899 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Sabado ng hapon, Nobyembre 27.

Mas mataas ito ng kaunti sa 863 COVID-19 cases na naitala noong Biyernes ng hapon.

Batay sa case bulletin #623 na inilabas ng DOH, nabatid na sa kabuuan, umaabot na sa 2,831,177 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 0.6% na lamang o 17,052 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga active cases naman, 49.0% ang mild cases, 22.77% ang moderate cases, 15.0% ang severe cases, 6.9% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit, at 6.3% naman ang critical cases.

Politics

'Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!—Sen. Robin Padilla

Mayroon din namang 1,667 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,765,920 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.7% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 188 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 48,205 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.70% ng total cases.

Mary Ann Santiago