Nakatanggap ang Maynila ng 6,600 tablets ng anti-COVID drug Baricitinib nitong Biyernes, Nobyembre 26.

Ibibigay ang gamot na ito sa mga pasyenteng nakararanas ng moderate to severe COVID-19 symptoms.

Magagamit ang Baricitinib sa anim na ospital sa lungsod-- Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc, at Ospital ng Tondo, maging sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Kamakailan ay bumili ang pamahalaag lunsod ng malaking halaga ng mga gamot laban sa COVID-19 tulad ng Remdesivir, Tocilizumab, at Molnupiravir.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Seth Cabanban