Ibinunyag na sa publiko nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kasarian ng kanilang kauna-unahang anak.

Sa bagong YouTube video ni Jennylyn Mercado, ipinaalam ng mag-asawa na ang kasarian ng kanilang anak ay babae, sa pamamagitan ng paghihiwa ng cake na may kulay na pink.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

https://youtu.be/ctTI5PUm7eU

Sa video, pinapanalangin ng dalawan babae ang kanilang anak, na siya namang natupad.

“Ako sobrang confident kasi feeling ko talaga ibibigay sa atin talaga yung pinakamatagal na nating gusto,” ani Dennis.

Matatandaan na noong Nobyembre 15 ay ikinasal sina Trillo at Mercado.

Kaugnay dito, nauna nang plinano ng dalawa na dumaan sa surrogacy ngunit ikinagulat ng mag-asawa na nagdalang-tao si Mercado.

“May surrogate na kami but it was destiny na gusto ni baby na ako ang madala,” pagbabahagi ni Mercado.