Dumating na sa Pilipinas nitong Nobyembre 26, ang 288,000 doses ng AstraZeneca coronavirus disease (COVID-19) vaccine na donasyon ng  United Kingdom (UK) sa bansa.

Ang nabanggit na bakuna ay inilapag ng Emirates Airlines flight EK 332 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3, dakong 4:00 ng hapon.

Nauna nang inanunsyo ni vaccine czsr Carlito Galvez na magdo-donate ang UK ng 5,225,200 doses ng bakuna sa Pilipinas.

Ito na ang ikalawang batch ng bakuna na dumating sa bansa. Nitong Huwebes, mahigit sa 3 milyong doses ng kahalintulad na bakuna ang ipinadala sa bansa ng UK.

Ang huling ipapadala sa bansa ay aabot sa 1,746,160 doses na inaasahang darating sa Pilipinas sa Sabado, Nobyembre 27.

Martin Sadongdong