Number 1 trending ngayon sa YouTube ang vlog ng American YouTube star na si MrBeast dahil sa kaniyang 'real-life Squid Game' na ang premyo ay tumataginting na $456K sa mananalong player.

Gumastos umano si MrBeast ng $3.5 million para lamang magaya ang mga detalye sa hit South Korean movie sa netflix na 'Squid Game', magmula sa costumes hanggang sa mga player, na umabot sa 456.

Kagaya rin sa pelikula, umabot din sa anim ang games na kailangang lagpasan ng mga kalahok; at ang mga hindi pinapalad ay nae-eliminate.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Screengrab mula sa YT/MrBeast

Huwag mag-alala dahil hindi naman binabaril nang totohanan ang mga player; bagama't may tracking device na nakakabit sa tiyan ng bawat player na sumasabog na parang baril, kapag sila ay eliminated na.

Para sa huling laro, nagsagawa sila ng 'Musical Chairs' o katumbas ng 'Trip to Jerusalem' sa Pilipinas, kung saan, magpapaunahang umupo sa upuan ang players kapag huminto ang tugtog.

Si player 079 naman ang nagwagi at nakakuha ng $456K.

As of this writing ay umabot na sa 24,808,532 views ang vlog niya, sa isang araw pa lamang na nai-upload ito.