Muli na namang napag-usapan sa social media ang panibagong Instagram post ni Nadine Lustre nitong Nobyembre 23, kung saan makikita ang isang beach, full moon, at silhouette ng isang lalaki, na ipinagpalagay ng mga netizen na si Christophe Bariou, ang rumored boyfriend ngayon ng actress-singer.

"Full moon power", ang caption ni Nadine.

Screengrab mula sa IG/Nadine Lustre

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang beach umano ay Maison Bukana Resort, na pag-aari umano ni Christophe.

Tiyak umanong si Christophe ito dahil naka-tag din ito sa IG ng French businessman. Pangalawang beses na ito na ginawa ni Nadine, dahil ang una, ibinahagi niya naman sa IG story niya ang larawan ni Christophe, nitong Nobyembre rin.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/13/nadine-lustre-ipinasilip-na-ang-litrato-ni-christophe-bariou-sa-ig/

Sa Facebook naman ng tatay ni Nadine na si Ulysses Lustre, makikitang kasama nila sa hapag-kainan si Christophe.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/10/christophe-bariou-ka-bonding-na-ang-pamilya-ni-nadine-lustre/">https://balita.net.ph/2021/11/10/christophe-bariou-ka-bonding-na-ang-pamilya-ni-nadine-lustre/

At least ngayon daw, mismong si Nadine na ang nagbabahagi ng mga litrato ni Christophe sa social media. Ang mga kumakalat nilang litrato habang sila ay nasa Siargao ay inupload lamang ng mga netizen na nakakakita sa kanila.

Hudyat na raw ba ito na handa nang ipakilala ni Nadz sa publiko ang kaniyang rumored jowa?

Matapos ang hiwalayan nila ng kaniyang katambal at real-life partner na si James Reid, hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin si Nadine kung si Christophe na ba ang kaniyang boyfriend, bagama't ito na lamang naman ang hinihintay ng mga 'Marites' at Jadine fans, dahil kitang-kita naman umano sa mga litrato na hindi lamang sila basta magkaibigan.