Nanindigan ang Pilipinas na hindi nito tatanggalin ang BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa bahagi pa ng West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng kahilingan ng China.

Sa pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana nitong Huwebes.

Paliwanag ng opisyal, luma na ang nabanggit na barko naka-angkla sa Ayungin Shoal at sakay ang mga sundalong Pinoy na iginigiit ang soberanya ng bansa sa lugar sa gitna sa usapin sa agawan ng teritoryo sa China at iba pang kalapit na bansa.

“Ayungin Shoal lies within our EEZ (Exclusive Economic Zone) where we have sovereign rights.Our EEZ was awarded to us by the 1982 UNCLOS (United Nations Convention on the Laws of the Seas) which China ratified. China should abide by its international obligations that it is part of,” paglilinaw ni Lorenzana.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Reaksyon ito ni Lorenzana sa naging pahayag ng Chinese government na dapat nang tanggalin ng gobyerno ang nabanggit na barko sa lugar dahil anila ay bahagi umano ito ng kanilang teritoryo.

Kamakailan, hinarang at binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang dalawang sasakyang pandagat ng Pilipinas na magsasagawa sana ng supply mission sa mga sundalo sa Ayungin Shoal na naging dahilan ng paghahain ng diplomatic protest ng bansa laban sa China.

Nitong Nobyebre 23, natuloy din ang resupply mission ng gobyerno sa lugar matapos mangako ang China na hindi na nila gagambalain pa ang mga ito.

Aaron Recuenco