Hindi ikinahihiya ni Presidential aspirant at Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang nakaraan bilang sexy actor noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

"Yun naman ay hindi ko ikinubli, hindi ko ikinahiya magpasa hanggang ngayon kahit sa mga anak ko,” sabi ni Domagoso na unang lumabas sa mga sexy movies bago pasukin ang mundo ng politika sa isang panayam sa DZMM nitong Martes, Nob. 24.

“Ang sinasabi ko, ang pag-a-artista ay isang disenteng propesyon at ito ay bumuhay sa atin for quite some time. ‘Yan ang nagpaangat sa katayuan ko sa buhay,” dagdag niya.

Bagama’t hindi niya ikinahihiya ang dating propesyon, may mga pagkakataon pa rin na nasasaktan siya kapag pinupuna o kinukutya siya ng iba.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

“Minsan, kapag tinutuya-tuya ka, as a human being, hindi naman ako robot. parang may kurot yan ng konti. At the end of the day, I have to face the music,” sabi ng alkalde.

“Talagang ganoon. May mga tao na kapag walang nakitang panget sa iyong pamamahala, sa pag-gogobyerno, maghahanap na lang yan ng ibang bagay, kahit na personal na, doon nalang sila titira,” aniya pa.

Sa kabila nito, sinabi ng alkalde ng Maynila na kumpiyansa siyang napagsilbihan niya nang mahusay ang mga tao.

“Pinagbuti ko naman ang trabaho ko for the past 20 years and last two years as being mayor of Manila, modesty aside, in my own little way. Hindi ko nga alam anong tinitignan nila sa brief ko eh,” biro niya.

Noong Agosto, muling lumabas sa social media ang mga seksing larawan ni Domagoso matapos paringgan ni Pangulong Duterte ang alkalde dahil sa malalaswang larawan nito na nakasuot ng maiksing underwear sa internet.

Jaleen Ramos