Maging si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential aspirant Isko Moreno ay sasailalim na rin sa voluntary drug testing. 

Lumiham na na umano ang alkalde kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva, at hiniling na sumailalim sa agarang drug test.

“In the interest of public service of the highest order, may I please submit myself for immediate drug testing for cocaine, shabu, marijuana, or all other illegal substances. I shall make myself personally available in your office the soonest possible,” dagdag nito. 

Ginawa ni Moreno ang hakbang matapos hikayatin ng isang grupo ang mga kandidato sa 2022 national elections na sumailalim sa drug testing upang malaman kaagad kung gumagamit ng iligal na gamot ang mga ito bago pa sila maihalal ng taumbayan.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Mary Ann Santiago