Isang babaeng Chinese ang hinuli ng pulisya matapos masamsaman ng pinaghihinalaang shabu nang tangkain niyang dalawin ang kanyang nobyo na nakadetine sa isang presinto sa Solaire Hotel and Resort sa Parañaque City, nitong Nobyembre 24.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilalang siChen Hai Juan, 30, dalaga, tubong Zhejian, China, at pansamantalang nanunuluyan sa PBCOM Tower, Ayala Avenue, Salcedo Village, Makati City.

Sa inisyal na police report, inaresto si Juan sa Solaire Police Sub-station sa Aseana 1, Entertainment City, Tambo, dakong 9:30 ng umaga nitong Miyerkules.

Nakumpiska sa suspek ang tinarayang 1.0 gramo ng 'shabu' na nagkakahalaga ngP6,800; isang pack ngChinese cigarette; dalawang lighters; drug parapehrnalias; mga ATM cards, atkotseng Mustang GT na may plakang AAN 3823.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Dadalawin sana ng suspek ang nobyo na hindi binanggit ang pangalan na nakakulong sa nabanggit na presinto at nadiskubre ang iligal na droga nang rekisahin ang mga gamit nito.

Tinangka pa ni Juan na tumakas, sakay ng kanyang kotse, gayunman, naaresto rin ito ng mga pulis.

Bella Gamotea