Nanawagan si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na bigyan ng booster shots ang frontline transport workers habang unti-unting nagbubukas ang ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng stand-bearer ng Partidido Federal ng Pilipinas (PFP) na dapat itong maging prayoridad ng kasalukuyang administrasyon dahil mas maraming public utility vehicle (PUV) drivers ang kakailanganin upang maserbisyuhan ang dumaraming tao na umaasa sa pampublikong transportasyon.

Sinabi ng dating mambabatas na ang mga PUV driver ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng proteksyon dahil sa mas mataas na panganib dala ng posibleng COVID-19 exposure.

“Drivers and PUV operators are essential workers who are exposed to the risks of COVID-19. They provide a service that is crucial to our economic recovery. It is only fitting that we provide them the added protection that booster shots can provide,”sabi ng dating senador matapos payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mas mataas na kapasidad ng mga pasahero ng public transport sa 70% simula Nob. 4.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dagdag ng dating kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso, dapat din na makipagtulungan ang Department of Transportation (DoTr) sa mga transport group upang matiyak na mas maraming PUV drivers at operators ang makatatanggap ng COVID-19 vaccines.

“The government can work with our friends from the transport sector to ensure that 100% vaccination rate among our PUV workers is achieved. Once this has been done, we can now safely increase the public transport capacity to 100%. The important thing is that we help the transport sector recover rapidly from this pandemic,”sabi ni Marcos.

Kabilang ang mga manggagawa sa sektor ng pampublikong transportasyon sa mga pinakanaapektuhan ng COVID-19 pandemic matapos isara ang ilang ruta ng PUV dahil sa mga ipinatupad na lockdowns.

Melvin Sarangay