CEBU CITY—Suportado ng isang partidong politikal sa pamumuno ni dating city mayor Tomas Osmeña ang kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.

Inilarawan ng Bando Osmeña Pundok Kauswagan (BOPK) si Robredo bilang “best choice" sa mga presidential aspirants.

BOPK (Bando Osmeña Pundok Kauswagan) likes leaders who listen and respond. Leni leads the pack as the best choice. (Manny) Pacquiao and Ping (Lacson) are also good choices. Bong Go is a poor choice and (Ferdinand) Marcos, the worst choice,” sabi ni Osmeña sa isang text message sa midya.

Ang asawa ni Osmeña na si Margot, ay tumatakbong alkalde katunggali si Michael Rama, na kamakailan ay nanumpa bilang ganap na alkalde kasunod ng pagkamatay ni Edgardo Labella.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Tinalo ni Labella si Osmeña noong 2019 elections.

Ang running mate ni Margot ay si Franklyn Ong, ang pangulo ng Association of Barangay Concils-Cebu City Chapter.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Margot na pinili ng BOPK si Leni bilang pangulo dahil siya lang ang nakauunawa sa kalagayan ng mga manggagawa sa Business Process Outsourcing firms.

Ang lungsod ay tahanan ng ilang kumpanya ng BPO na may libu-libong empleyado.

“Why Leni? VP Leni agreed to petition Comelec to create special precincts for the 100,000 call center agents who work in one area in Cebu City. Presently, they will have extreme difficulty voting due to their abnormal work hours and commuting problems to their respective distant precincts,” sabi ni Margot.

“If our government allows 500,000 Pinoys abroad to vote, what more the 1.6M agents in our cities. We ask that Cebu City be the pilot agent as 90% are working one contiguous area,”dagdag niya.

Kamakailan ay nasa Cebu si Robredo kung saan nakadaupang-palad niya ang ilang sektor at nagbukas ng hindi bababa sa dalawang campaign headquarters.

Calvin Cordova