Kinilala ng pamahalaang lokal ng Mandaluyong ang mga partners nito sa pagsuporta sa COVID-19 vaccination program nito.

Personal na iginawad ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang mga certificate at plaques of recognition sa mga representative ng La Salle Green Hills, Jose Rizal University (JRU), Rizal Technological University (RTU), Manuela Corporation (Starmall Edsa-Shaw), Shangri-La Plaza Corporation (Shangri-La Mall), Robinsons Land Corporation (Forum Robinsons), at SM Megamall Shopping Center Management (SM Megamall).

Sinabi ni Abalos na ng mga institusyong ito ay ginawang vaccination centers ang kanilang mga buildings.

“We couldn’t have reached population protection that early if the malls and schools didn’t offer their spaces. It’s a big factor the helped us deploy vaccines faster,” ani Abalos.

Sen. Bong Go, binalikan payo sa kaniya ni FPRRD

Pinasalamatan din niya ang DepEd-Mandaluyong dahil ginawang vaccination sites ang ilang eskuwelahan ng lungsod kagaya ng Andres Bonifacio Integrated School, Pedro P. Cruz Elementary School, Addition Hills Integrated School, Eulogio Rodriguez Integrated School, Hulo Integrated School, at Isaac Lopez Integrated School.

Noong nakaraang linggo, pinangunahan ni Mayor Abalos ang pagkilala sa 160 medical personnel ng San Miguel Corporation (SMC). Ang miyembro ng Ligtas Lahat Team ng SMC ay dineploy sa mga vaccination sites ng Mandaluyong upang tulungan ang LGU sa pagbibigay ng bakuna.

Binigyang-pugay naman ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) ang Mandaluyong City dahil sa pandemic response nito.

"Mandaluyong is one of the few cities in NCR (National Capital Region) that has already achieved population protection – a testament to the city’s “Gawa, Hindi Salita” slogan,” ani DOH-NCR Regional Director Dr. Gloria Balboa.

“The DOH is always ready to assist Mandaluyong in its continuous efforts in deploying vaccines and other health-related campaigns,” dagdag pa niya.

Sa huling datos nitong Nob 20, nakapagbigay na ng 951,057 na bakuna ang lungsod. Sa naturang bilang, 507,622 an nakatanggap ng first dose habang 459,444 namn ang fully vaccinated.

Patrick Garcia