Aminado ang isang edukador na lilikha ng malaking problema kung ibabahagi ng mga guro sa kanilang mga estudyante ang mga "hindi totoong balita" at "pagbaluktot sa kasaysayan" ng bansa.

Sa isang virtual forum na tinawag na, "UVote: Insights from the College Experience Survey and Pinoy Voter’s Vibe" kung saan naging punong-abala si Ateneo School of Government (ASOG) at FEU TAMang Boto, Ateneo Policy Center Senior Fellow Imelda Deinla, hinikayat nito ang mga estudyante na panagutin ang mga guro at magkaroon responsibilidad upang hindi maipalaganapang mga maling impormasyon.

“To our youth, it’s really important na we exercise our critical thinking. Kailangan din talaga na magtanong tayo sa ating teachers dun sa sources nila. If the teachers [are] actually requiring you to produce sources of information, dapat din i-require din natin sila,” banggit ni Deimla.

Umapela rin ito sa mga estudyante na magkaroon ng lakas ng loob upang makipagpalitan ng pananaw sa kanilang guro at maging matapang upang malabanan ang paglaganap ng "fake news."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nauna nang nanawagan si Deimla saDepartment of Education (DepEd) na himayin nang husto ang mga educational materials na nagbabahagi ng mga kahalintulad na impormasyon.

“Doon sa teachers, ibig sabihin napakalaki talaga ng problema natin if the teachers themselves [are] actually engaged in spreading fake news and historical distortion.The leadership with the DepEd should be onboard on countering fake news and as we know, some of the educational materials are precisely revising this. So dapat magkaroon ng screening at i-regulate talaga itong educational materials na nagpapakita ng lies or nagpapakalat ng lies or distortion sa ating history," paglalahad pa nito.

Gabriela Baron