Pumanaw na sa edad na 124 ang pinaniniwalaang pinakamatandang Pilipinong nabubuhay sa bansa ngayong Lunes, Nobyembre 22.

Ala-sais ng gabi nang sumakabilang buhay si Francisca "Lola Iska" Susano.

Si Lola Francisca ay isang butihing ina na may labing-apat na anak.

Noong Setyembre 11, nagdiwang ito ng ika-124 nitong kaarawan ngunit bigo na pormal na makilala bilang 'Oldest Living Person' ng Guinness World Record dahil umano sa kakulangan ng dokumento.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Base sa Guiness World Records, si Jeanne Louise Calment galing Arles France, isinilang noong February 21, 1875 at namatay sa edad lamang na 122 years old ang kinikilala sa ngayon na oldest living person in the world.

Ayon sa mga kasama ni lola, siya raw umano ay mahilig kumain ng gulay at prutas kung kaya ito ay umabot pa sa edad na 124.

Si Lola Francisca ang kaisa-isang Filipino na naabutan ang pamamalakad ng 16 na presidente ng Pilipinas, mula kay dating Pang. Emilio Aguinaldo hanggang kay kasalukuyang Pang. Rodrigo Duterte.