Opisyal na nilunsad ng national government ang pagbibigay ng booster shot ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine sa mga senior citizen (A2 priority) at mga piling indibidwal na may comorbidities (A3) nitong Lunes, Nob. 22.
Nanguna sa ceremonial vaccination ng A2 at A3 priorities sina Vaccine czar Carlito Galvez Jr., chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19, at Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, chairman of the Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases, sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Alinsunod dito, nasa 8.2 milyong senior citizens at 8.4 na may comorbidities ang target na mabakunahan ng booster shoots sa taong ito.
“We have enough doses of various brands. Sa amin pong taalaan, umabot ng six to eight million ang in-allocate natin sa senior citizens at [individuals] with co-morbidities,” sabi ni Galvez.
Ang first dose ng booster shot para sa mga matatanda at immunocompromised ay ibinigay kay Dr. Nina Gloriani ng Department of Science and Technology’s (DOST) Vaccine Expert Panel (VEP), sa ilalim ng homologous vaccination. Binigyan siya ng Sinovac-CoronaVac shot na parehong tatak ng bakuna na kinuha niya sa kaniyang pangunahing vaccination series.
Samantala, si Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health and Research Development (PCHRD) ng DOST, ay nakatanggap ng Pfizer booster shot sa ilalim ng heterologous vaccination. Dati siyang tumanggap ng dalawang dose ng Sinovac sa unang serye ng kanyang primary vaccine.
Ang booster vaccination ng mga matatandang populasyon at mga may kondisyong medikal ay inilunsad wala pang isang linggo mula noong pagbibigay ng karagdagang mga bakuna sa mga healthcare workers (A1) noong Nob. 17. Humigit-kumulang 1.6 milyong doses ang inilaan para sa mga booster shot ng mga medical frontliners.
Binanggit ni Galvez na ang mga healthcare workers, senior citizens at ang mga comortbids ay itinuting na pinaka-bulnerableng sektor dahil sila ay madaling maospital at mamatay mula sa COVID-19.
Gayunpaman, para sa kategoryang A3, mga piling indibidwal na imunnocompromised lamang ang kasama sa unang yugto ng booster vaccination.
Kabilang dito ang mga indibidwal na immunodeficient, mga taong may human immunodeficiency virus (HIV), mga taong may aktibong cancer o malignancy, mga pasyente ng transplant, at mga pasyente sa ilalim ng imunnosuppressive treaments.
Ang ibang mga indibidwal na may comodbidties ay isasama sa ikalawang yugto ng booster vaccination sa susunod na linggo.
“We will continue to protect what we call ‘chain of protection’ for senior citizens, and also healthcare workers, and those with co-morbidities. Gagawin po naming ito ngayon,” sabi ni Galvez.
Samantala, ang booster shot para sa economic at government frontliners (A4), indigent population (A5) at ang pangkalahatang populasyon ay maaring magsimula sa unang bahagi ng 2022.
Sinabi ng vaccine czar na ang booster vaccination para sa mga priority categories ay lilikha ng isang link ng proteksyon na makakatulong sa pagliligtas ng mas maraming buhay, muling pagbangon ng ekonomiya at ang seguradong kinabukasan ng mga nakababatang henerasyon.
Martin Sadongdong