Mawawala na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang immunity sa kaso nito sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong kampanya ng kanyang administrasyon laban sa iligal na droga kung mahahalal ito bilang senador sa2022 national elections.

Ito ang pagdidiin ng dating senador na si Antonio Trillanes IV nitong Lunes.

Nitong Nobyembre 15 na huling araw ng pag-atras ng mga kandidato at paghahain ng substitution candidate, naghain ang Pangulo ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador.

Idinahilan ni Trillanes, wala nang magagawa ang Pangulo kundi harapin ang kaso nito sa ICC pagkatapos ng termino nito bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Wala. Wala namang immunity ang senador. Nakita n'yo naman ang ginawa niya kay Senator Leila de Lima. Gawa-gawa lang ng kaso naipakulong niya," sabi nito sa isang radio interview.

Dapat aniyang managot ang Pangulo sa pagkamatay ng libu-libong biktima ng 'war on drugs' ng administrasyon.

Matatandaang sinimulan ng ICC ang pag-iimbestiga sa usapin. Gayunman, iniurong ng Pilipinas ang pagiging miyembro nito sa ICC noong Marso 2018.

Sa kabila nito, nanindigan pa rin ang ICC na saklaw pa rin nila ang krimen na naganap mula Nobyembre 2011 hanggang 2019 dahil ginamit na nila ang kanilang batas matapos ratipikahan sa Manila.

“Siya po ang nag-utos niyan. Alam ng mga Pilipino iyan. Kailangan na managot siya kasi tatay siya ng mga PiIipino," pagbibigay-diin pa ng dating senador.

Raymund Antonio