Makakakuha na ng COVID-19 booster shots ang mga medical frontliners sa Quezon City simula Nobyembre 22, ayon sa pamahalaang lokal.
Gaganapin ang pagtuturok ng booster shots sa ibang ospital at vaccination sites sa lungsod.
Sa ngayon ay wala pang inaanunsyong schedule, venues, at proseso ng vaccination.
Kailangan ipakita ng mga health workers ang kanilang vaccination cards para sa beripikasyon, at ang mga fully vaccinated lamang ang babakunahan ng booster shot.
Matatandaang inaprubahan ng Department of Health ang pagbabakuna ng COVID-19 booster shots sa mga medical frontliners noong Oktubre 2021.
Aaron Dioquino