Tumataginting na P345 milyon ang maaaring mapanalunan ng mga mamamayan sa Ultra Lotto 6/58 na nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Linggo ng gabi, Nobyembre 21, 2021.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, walang nagwagi sa huling Ultra Lotto 6/58 draw noong Biyernes, Nobyembre 19, matapos na walang makahula sa six-digit winning combination na 55-21-06-28-42-25.

Dahil dito, walang nakapag-uwi ng katumbas nitong jackpot prize na₱334,370,239.60.

Inaasahan namang madaragdagan pa ang naturang papremyo ng P8 milyon sa lotto draw na isasagawa dakong alas-9:00 ngayong gabi, kaya’t aabot na ito sa mahigit P345 milyon.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Bukod naman sa Ultra Lotto 6/58, nakatakda ring bolahin ng PCSO ngayong Linggo ng gabi ang Super Lotto 6/49, na may estimated jackpot prize na P15.8 milyon.

Samantala, bukas, Lunes, Nobyembre 22, ay bobolahin naman ng PCSO ang Grand Lotto 6/55 na may jackpot estimate na P141 milyon.

Mary Ann Santiago