Mahigit 3,000 frontline healthcare workers o ang A1 vaccination group ang nakatanggap ng kanilang coronavirus disease booster shots sa Maynila noong Sabado, Nob. 20.
May kabuuang 3,395 na miyembro ng A1 vaccination group ang nakatanggap ng kanilang ginustong brand ng booster shots sa Maynila mula nang magsimula ang lungsod ng pagbibigay ng boosters nitong Biyernes, Nob. 19.
Ang mga miyembro ng A1 group ay maaaring tumanggap ng kanilang booster sa anim na district hospitals sa Maynila: Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc, at Ospital ng Tondo.
Ang iba pang lungsod sa National Capital Region na inaprubahan din ng inoculation ng booster shots para sa A1 vaccination groups ay ang Makati, Las Pinas, Quezon City, Taguig, Caloocan, Pateros, San Juan, Muntinlupa, at Valenzuela.