Iginiit ni dating Senator Antonio Trillanes IV na dapat nang makialam ang United States at tumulong sa Pilipinas laban sa China kaugnay ng usapin sa agawan ng teritoryo kasunod na rin ng insidente sa Ayungin Shoal kamakailan.

Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng independent foreign policy na gagamitin ng bansa sa pagtindig nito laban sa China, katulad ng ginawa sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

“Iyong traditional ally like the US ay kailangan magstep-in kasi hindi kakayanin lang ito ng mga ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) countries," paglalahad ni Trillanes sa isang radio interview.

“Pero iyong ating foreign policy, kailangan talagang tumindig dahil ginawa naman iyan ng ibang bansa like Vietnam, like Indonesia. Hindi namag ginigiyerang China,” dugtogna pahayag ng dating senador.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Kamakailan, hinarang at binomba ng tubig ng mga barko ng Chinese Coast Guard ang dalawang sasakyang pandagat ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply sa mga sundalo ng bansa na naka-base sa Ayungin Shoal.

Iprinotesta ngDepartment of Foreign Affairs (DFA) ang insidente.

Sa panig ng China, idinahilan niChinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na "pumasok umano sa karagatan ng China ang dalawang sasakyang pandagat ng bansa nang walang paalam."

Pagdidiin naman ng Pilipinas, sakop pa ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng bansa ang nasabing lugar kung saan nangyari ang insidente.

Binigyang-diin ni Trillanes ang kahalagahan ng pagpapaigting ng alyansa saWashington sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement (VFA) na tinatangkang ibasura niPangulong Rodrigo Duterte.

“So iyan iyong mga puwedeng tumulong,” sabi ni Trillanes.

Iminungkahi rin nito na sumali ang Pilipinas safreedom of navigation operations sa Western powers, gayundin sa mga kaalyadong bansa, katulad ng Japan at South Korean.

“Nang sa ganun, itong area na ito ay hindi dadapaan ng China," aniya.

Nanawagan din ito sa gobyerno na gumamit na lamang ng mga barko ng Navy na nagtataglay nghelicopter-borne replenishment capabilityupang makapagdalang supply sa tropa ng pamahalaan sa Ayungin Shoal.

Raymund Antonio