Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mga ganap na nakabunahang senior citizen at immunocompromised na indibidwal ay maaaring pumili ng brand ng bakuna sa COVID-19 para sa kanilang booster shot—kapag bukas na ang programa para sa kani-kanilang sektor.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa proseso pa sila ng pagkumpleto ng guidelines.
“Now the major difference, ito pong sa ating senior citizens at saka sa immunocompromised, tinitingnan natin kasi it is medically indicated and kailangan po pag immunocompromised, it’s going to be called a third dose,” sabi ni Vergeire.
“Although pareho po natin ibibigay iyong choice ng homologous or heterologous para sa kanila,” dagdag niya.
Sinabi ng DOH na ang homologous dose ay tumutukoy sa pagbibigay ng COVID-19 vaccine ng “the same brand from the vaccine that was used to complete” na ginamit sa unang dalawang doses.
Sa kabilang banda, ang heterologous dose ay tumutukoy sa pagturok ng isang COVID-19 vaccine “of a different brand from the vaccine that was used to complete the primary vaccine series.”
“So we will be issuing these guidelines in the coming days for the information of the public,”sabi ni Vergeire.
Sinimulan ng gobyerno ang booster vaccination program noong Nob. 17 sa mga healthcare worker. Ang mga health workers na ganap na nabakunahan ay pinapayagang pumili ng kanilang gustong brand ng kabuna kung nagpasya silang magpa-booster shot.
Analou de Vera