Sinimulan na rin ng Valenzuela City government ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa mga health workers nitong Sabado, Nobyembre 20.

Nagsimula ang pagbabakuna simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Valenzuela People's Park Amphitheater.

Kailangan ipresenta ng mga health worker ang kanilang "VCVax Passports" bilang katunayan na sila ay fully vaccinated.

Mabibigyan din sila ng bagong "VCVac Booster Dose Card" matapos makatanggap ng jabs.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ayon sa local government, AstraZeneca at Pfizer vaccine ang kanilang ina-administer.

Para sa iskedyul ng vaccination, magtungo lamang sa Facebook page ng lungsod: https://m.facebook.com/photo/?fbid=259601626202330&set=a.224743346354825

Aaron Dioquino