Nagdonate si Las Piñas Mayor Imelda Aguilar ng 10 Kawasaki motorcycles sa Traffic Bureau ng Lungsod nitong Biyernes, Nobyembre 19.

Tinanggap ni Traffic Bureau head Jose Gonzales ang mga motorsiklo sa isang simpleng turnover ceremony na ginanap sa Las Piñas City Hall grounds.

Ayon kay Aguilar, ang mga bagong motorsiklo ay dagdag sa 40 units na ginagamit ng mga traffic enforcers sa lungsod.

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

Pinasalamatan naman ni Gonzales si Aguilar sa pagbibigay sa kanila ng karagdagang motorsiklo na magagamit nila sa pagresponde sa mga lugar na may traffic congestion at aksidente. 

Jean Fernando