Nakapagtala ang Department of Health ng 1,474 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong Sabado, Nobyembre 20.
Umabot na sa 2,824,499 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa simula noong nakaraang taon.
Pumalo naman sa 22,070 ang aktibong kaso o 0.8% ng overall case count.
Sa aktibong kaso, 58.1% ang mild, 4.1% ang asymptomatic, 5/2% ang kritikal, 12.5% ang severe, at 20.2% ang moderate.
Samantala, naitala rin ang 2,565 na bagong gumaling habang 205 naman ang namatay sa sakit sanhi upang umabot sa 2,755,526 ang recovery count at 46,903 ang death toll.
Analou de Vera