Nakapagtala ang Department of Health ng mahigit 1,400 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Nobyembre 19.
Ayon sa DOH, 1,485 ang naitalang bagong kaso. Umabot naman sa 23,200 ang aktibong kaso.
Sa aktibong kaso, 59.6 ang may mild symptoms, 3.8% ang asymptomatic, 19.56% ang moderate symptoms, 12% ang severe cases, at 5.1% ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, naitala rin ang 1,393 na new recoveries at 277 na namatay.
Umabot na sa 2,753,313 ang nakarekober at 46,698 ang mga namatay sanhi ang COVID-19.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa low-risk classification pa rin ang Pilipinas sa COVID-19.
“As of Nov. 17, the National Capital Region and the whole Pilipinas are both low-risk and minimal case classification. The health system capacity remains under low-risk for both the National Capital Region and the Philippines,” ani Vergeire nitong Biyernes.“Lahat po ng regions ay nagsho-show ng (All regions are showing a) negative two-week growth rate and they are showing a decreasing average daily attack rate,” dagdag pa niya
Analou de Vera