Tumaas ng 63 percent sa panahon ng coronavirus disease (COVID-19) ang search queries sa Pilipinas kaugnay sa karahasan laban sa kababaihan at mga bata kabilang na ang sekswal, pisikal, sikolohikal na karasahan, ayon sa GABRIELA.
"Violence against Filipino women is now at an all-time high. As the pandemic and the economic crisis rage on, so does the abuse and violence faced by Filipino women,” sabi ni GABRIELA Secretary-General Joms Salvador sa naganap na Pandesal Forum nitong Biyernes, Nob. 9.
“In GABRIELA alone, about three to five women who are victims of VAWC [violence against women and children] approach us each day seeking help,” pagpupunto niya.
“Correspondence is especially difficult on the side of the victims, as they are forced to communicate and clandestinely narrate their harrowing experiences because of the lockdowns,” dagdag pa ni Salvador.
Marami sa mga kababaihan ang nagsabing kawalan ng trabaho at kahirapan sa ekonomiya sa panahon ng pandemya bilang mga dahilan sa lumalalang pang-aabuso na kinahaharap nila sa mga tahanan ngayon, ayon kay Salvador.
“Even in the online landscape, a study revealed that search queries in the Philippines related to VAWC rose by 63 percent during the pandemic. That begs the question: why are Filipinos now suddenly looking up terms related to VAWC online?” dagdag ni Salvador.
“In our view, this suggests a rising wave of VAWC victims who wish to seek help, but either is unsure of which first steps to take, or are too paralyzed by pandemic restrictions from seeking help.”
Nanawagan ang GABRIELA sa gobyerno na gamitin ang makinarya at mandato nito para ipatupad ang mga kagyat na hakbang upang matugunan ang paghihirap ng mga biktima ng VAWC sa paghingi ng tulong at magbigay ng aktuwal na serbisyo para sa kanila.
Binanggit ng Philippine Women Commission (PCW) na bago ang pandemya, tinatayang nasa isa sa tatlong babae ang nakararanas ng pisikal o sekswal na karahasan ng karamihan ay isang intimate partner.
Gayunpaman, sa patuloy na health crisis, ang mga banta ng VAWC ay lumala. Nagkaroon din ng pagtaas ng mga tawag sa mga domestic violence helplines sa maraming bansa.
Gabriela Baron