Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang₱8.2 bilyong pondo para sayear-end bonus at cash gift ng mga pulis sa bansa.

Ito kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos at sinabing kabuuang 222,418 na pulis ang makikinabang sa nasabing pondo.

Tiniyak naman ni Brig. Gen. Jose Melencio C Nartatez Jr, hepe ng PNP Finance Service, maaari nang makuha ng mga pulis ang nabanggit na bonus atcash gift na nakadeposito sa kani-kanilang account sa Land Bank of the Philippines simula Nobyembre 18.

Katumbas aniya ng isang buwan na suweldo ang bonus ng mga ito habang ang cash gift ay aabot lamang sa₱5,000.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aaron Recuenco