Para kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo hindi tungkol sa kanya o maging sa mga katunggali sa Palace race ang May 2022 polls.

Sa halip, ito ay tungkol sa mga pangarap ng mga Pilipino na gusto lamang mabuhay para sa kanilang mga mahal sa buhay at magkaroon ng magandang kinabukasan.

"The 2022 elections is not just any other election, because what is at stake are the lives of the Filipino people—the lives of our children and the generations that will come after,” aniya sa kanyang opening statement saPhilippine Business Conference and Expo (PBC&E) Presidentiables’ Forum nitong Huwebes, Nobyembre 18.

“We are fighting for their children, their loved ones, their communities, the whole country. For many Filipinos, this is not a matter of personalities; this is a matter of survival,” dagdag pa ni Robredo.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Binigyang-diin niya na ang mga Pilipino ay "lahat nasa iisang panig" at nakatali sa "parehong mga pangarap," sinabi ng Bise Presidente na ang mga Pilipino ay may "kapangyarihang magdala ng makabuluhang pagbabago at bumuo ng isang mas magandang kinabukasan para sa ating bansa."

Sinabi rin niya na "ang kakulangan sa mabuting pamamahala" ang nagpapalubog umano sa mga tao at ang mga kasinungalingan ay "ugat ng maraming problema."

Binanggit din ng asipiring president na habang sinusubukan ng mga Pilipino na manatiling nakakapit, bilyun-bilyong pera ang nawawala dahil sa mga "questionable transactions in government," dagdag pa niya "countless lives are lost due to corrupt and incompetent governance.

Lumahok si Robredo sa PBC&E Presidentiables' Forum kasama ang iba pang Manila Mayor Isko Moreno; at mga Senador na sina Bong Go, Manny Pacquiao at Panfilo Lacson.

Hindi nakadalo si Presidential aspirant at dating Senador Ferdinand Marcos Jr. sa forum na pinangunahan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Binigyang-diin ni Robredo ang kahalagahan ng pagpapalaya sa bansa mula sa mga sakit na dulot ng katiwalian at kawalan ng kakayahan ng gobyerno. 

Aniya dapat ang gobyerno ay maging "tapat at may pannagutan," at ilagay ang interes ng mga tao sa "harap at sentro."