Sisimulan na ng Maynila ang pag-aadminister ng COVID-19 booster shots sa A1 priority group or ang frontline health workers ng lungsod sa Biyernes, Nobyembre 19.

Ayon sa Manila Public Information Office (MPIO), na i-aadminister ang booster shots sa anim na Manila district hospitals-- Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc, at Ospital ng Tondo.

Sinabi ng Department of Health na may kakayahang pumili ang mga babakunahan sa A1 priority group kung anong brand ng booster shots ang gusto nilang makuha.

Kasama rin ng Maynila ang Taguig, Caloocan, Pateros, at San Juan sa pagbibigay ng booster shots sa kanilang mga frontline workers.

National

Malacañang sa petisyon ni Honasan sa ICC: ‘Coordinate first with Duterte’s legal team’

Seth Cabanban