Hindi na napigilan ng kapatid ni Chie Filomeno na si Rio Filomeno na magsalita na laban sa mga bashers ni Chie habang ito ay nasa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house.

Sa Facebook post ni Rio, sinabi nito na hindi deserve ni Chie ang mga mabababaw na galit na natatanggap nito mula sa netizens.

Aniya, totoo at masipag na tao ang kanyang kapatid. Wala na itong inisip kundi ang kapakanan ng ibang tao.

Dagdag pa nito, maagang naging breadwinner si Chie at dati pa ay nakakatanggap na ng mga maling akusasyon ngunit natatatili itong mabait sa ibang tao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"My sister is still facing cyber bullying, body shaming and misogyny from nasty people in all different social media platforms with them not knowing who she really is," ani Rio.

"Cyber bullying just became a trend to them to join in the bandwagon of hating someone. All they have is yung mga false accusations nila and napaka unfair ng judgement nila. Ang masama din dito KAPWA BABAE pa nag bobody shame and nag spread ng misogyny about her," dagdag pa niya.

Nilista ni Rio ang mga magagandang nagawa ni Chie habang nasa loob ito ng PBB house.

1st week: Choreographer ng play.

2nd week: Yung team nila nila Aly ang naglalagay ng blocks lagi, never kong nakita tumunganga si Chie magkuskos ng kahoy.

3rd week: task leader, arranged the sched of 300 orders alongside with Eian and Alexa, made the Ramen, PLUS they won this weekly task.

Kaya naman pakiusap ni Rio sa publiko, "BBS CHIE to 2366" at "BBS CHIE on Kumu App."