Nasamsam ng mga ahente ng ng Bureau of Customs Port of NAIA (BOC-NAIA) at NAIA-Inter-agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang hunigit-kumulang P3.3 milyong halaga ng mga ecetacy tables na ipupuslit sana sa pamamagitan ng isang parcel na may misdeclacred item.

Sinabi ni BOC Commission Rey Leonardo B. Guerero na ihahatid sana ang ecstacy sa isang Heart Valerine Garcia Cruz na residente ng Taytay, Rizal.
Aniya pa, ang kargamento ay idineklara bilang isang wedding dress ngunit isang ulat ang nagsiwalat na naglalaman ito ng kabuuang 1,993 tablets ng ecstacy party drugs at tinatayang nasa P,3,388,100 ang market value.
Itinurn-over san a PDEA ang mga nasabat na ilegal na droga para sa karagdagang imbestigasyon.
Inihahanda na ngayon ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala rin bilang Comprehensive Drugs Act gayudin sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) laban sa suspek.
Ariel Fernandez