Muling magsasama-sama ang orihinal na Hogwarts School 'golden trio' na sina Harry Potter, Ronald Weasley, and Hermione Granger na ginampanan nina Daniel Radcliffe, Emma Watson, at Rupert Grint.
Kasama ang iba pang casts at filmmaker na si Chris Columbus, dadalo ang mga tauhan ng Harry Potter Films sa pagdiriwang ng 20 taong anibersyo ng Harry Potter.
Ito ay kauna-unahan sa HBO Max.
Subalit, personal na hindi makakapunta sa show ang manunulat na si J.K. Rowling.
Inaasahang dadalo sina Helena Bonham Carter, Robbie Coltrane, Ralph Fiennes, Gary Oldman, Imelda Staunton, Tom Felton, James Phelps, Oliver Phelps, Mark Williams, Bonnie Wright, Alfred Enoch, Matthew Lewis, at Evanna Lynch sa nasabing reunion special.
Sa mensaheng inilabas ng HBO Max, sinabi nitong asahan na magkakaroon ng malalimang pag-uusap ang mga cast ng nasabing show.
“Tell an enchanting making-of story through all-new, in-depth interviews and cast conversations.”
Ieere ang special reunion show sa bagong taon, Enero 1, 2022.