Talaga nga namang buhay na buhay na naman ang dugo ng mga Marites sa pasabog ng social media personality na si Christian 'Xian' Gaza, a.k.a. 'Pambansang Lalaking Marites'.

May pa-blind item kasi siyang ipinost sa kaniyang Facebook account nitong Nobyembre 16, at hirap na hirap ang mga Marites kung sino nga ba ang mga 'nasasakdal', bagama't uso ang hiwalayan ngayon sa mga celebrity couples!

Anyways, ganito ang pa-blind item ni Xian: "SINETCH ITEY NA ISANG SIKAT NA INFLUENCER ANG NA-CAUGHT IN THE ACT NG KANYANG NOBYA MATAPOS MAG-NOTIFY SA NAIWANG IPAD ANG ISANG REAL-TIME GRAB BOOKING PAPUNTA SA ISANG MALAKING HOTEL SA PARAÑAQUE?! "

"ANG KANYANG NOBYA AY AGAD-AGAD DUMIRETSO SA NASABING HOTEL… AT DAHIL VERY FAMOUS INFLUENCER COUPLE SILA SA ATING BANSA WITH OVER 10 MILLION FOLLOWERS, NAKA-SECURE NG KEY CARD SI NOBYA MATAPOS NIYANG CHIKA-CHIKAHIN ANG MGA TAO SA FRONT DESK," aniya.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Ang nakawiwindang umano rito, pagpasok ni 'Girl' sa hotel room, nabungaran niya ang kaniyang jowa na may kayakap na iba!

"AFTER MAGPA-PICTURE SA KANYA NG MGA HOTEL STAFF, AGAD-AGAD SIYANG KUMARIPAS PAAKYAT NG KWARTO AT PAGBUKAS NIYA NG PINTO EH LAKING GULAT NIYA NANG KANYANG MAKITA SA KAMA ANG ISANG STAR MAGIC ARTIST NA KAYAKAP NG KANYANG JOWA! OMG NAKAKALOKA MAAARSSS!!! HINDI KO KINAYA MYGAAAHD! SINETCH ITEY??"

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Kaniya-kaniyang hula naman ang mga Marites kung sino nga ba ang mga influencers na ito.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan si Xian dahil bukod sa mga pagpapagawa niya ng billboard para mag-aya ng date (Erich Gonzales at Blackpink Jennie), pagreregalo ng kotseng 'Mustang' kay Nadine Lustre, kasong scam na isinasampa sa kaniya, at siya rin ang nag-blind item tungkol sa naging hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/xian-gaza-may-pasabog-sa-hiwalayang-aljur-at-kylie-kapamilya-actor-dinawit-sa-isyu/">https://balita.net.ph/2021/10/19/xian-gaza-may-pasabog-sa-hiwalayang-aljur-at-kylie-kapamilya-actor-dinawit-sa-isyu/

Meron din siyang pang-Marites na app na 'Isyus'.

Any wild guess kung sinetch itey??