Napagkatuwaan ng mag-asawang magkaka-baby na mula sa Dasmariñas, Cavite, na ang maging tema ng kanilang 'gender reveal' ay ang tandem nina presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at running mate nitong si Davao City mayor Sara Duterte.

Ibinahagi ito sa Facebook page na Dasmariñas City News, isang araw bago matapos ang substitution of candidates, at matapos ngang umatras ni Inday Sara sa kaniyang re-election bilang mayor ng Davao City.

"Hi everyone, flex ko lang po gender reveal my coming soon nephew… Napagkatuwaan nila na BBM and Sara Duterte. No hates bashers," pakiusap ng nagbahagi nito na si Christine Joy Jarabe, 31 anyos, mula sa Barangay Sampaloc 4 Bautista, Dasmariñas, Cavite.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Screengrab mula sa FB/Christine Joy Jarabe

May be an image of cake and text
Screengrab mula sa FB/Christine Joy Jarabe

No description available.
Screengrab mula sa FB/Christine Joy Jarabe

May be an image of 1 person and cake
Screengrab mula sa FB/Christine Joy Jarabe

Ayon sa panayam kay Christine Joy ng Balita Online, ang mag-asawa ay sina Remuel Gebe at Ciarra Jimenez. Nakisakay lamang daw sila sa mga nangyayari sa politika nang mga sandaling iyon.

"Kasi noong panahon na 'yun eh, nagkakalituhan pa sa social media kung sino talaga ang tatakbong presidente ng Pilipinas, si Bongbong ba o si Sara," aniya.

At dahil baby boy ang magiging pamangkin niya, litrato ni BBM ang namayani. Inilarawan nila ang kanilang magiging anak na 'brilliant and talented boy'.