Viral ngayon sa TikTok ang isang 'break up video' ng isang magkasintahan dahil sa diumano pangangaliwa ng nobyo.

Sabay sa 4th anniversary ng magkasintahan, sinorpresa ng dalaga ang kanyang nobyo sa kakaibang paraan — mga larawan habang magkasama ang kanyang nobyo at 'kabit' nito ang ginawa niyang disenyo.

Noong una, inakala ng nobyo nila na larawan nila ng kanyang kasintahan ang mga nakasabit ngunit kalaunan ay napansin rin nito na larawan pala niya ito at ng kanyang ka third-party.

"I was asking him ano nangyari bat nagkaganon, sabi niya nagkulang daw ako kasi di ko siya pinopost or fineflex sa socmed ko pero kasi everytime i post him he always wants me to delete it kasi nahihiya daw sya sa itsura niya," caption sa video.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umamin naman ang nobyo nito na natukso siya kaya nagawa niya iyon.

Ayon pa sa dalaga, sinasabi ng kanyang nobyo na sa dorm lamang ito ngunit napag-alaman niyang pinupuntahan nito ang kanyang kabit at gamit ang kanyang kotse.

"Kapal pa ng mukha mong gamitin ang kotse ko," ani ng dalaga.

Nagrason naman ang lalaki na nawalan ito ng gana sa kanilang relasyon.