Sa unang pagkakaton sa loob ng 10 buwan, ang arawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ay muling sumadsad ng mas mababa pa sa 1,000 nitong Martes, Nob. 16.

Ang kabuuang bilang ng mga bagong nahawaan ng COVID-19 ay nasa 849, sinabi ng DOH sa pinakahulinh case bulletin nito. Gayunpaman, ang pagbaba ng mga kaso ay maaaring maiugnay sa “low testing output,” ayon sa DOH.

“The 849 new cases reported today is largely due to the regular low testing output coming from the weekend. Last Sunday showed the lowest testing output,” pagbabanggit ng DOH.

Gayundin, anim na laboratoryo pa ang hindi nakapagsumiteng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System kaya hindi pa kasama ang kanilang datos sa pinakahuling tally.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang huling beses na nagtala ang Pilipinas ng mas mababa sa 1,000 impeksyon ay noong Enero 5, kung saan mayroong 937 na mga kaso ang naiulat.

Bumaba din sa 25,464 ang active infections sa ngayon.

Ipinakita sa pinakahuling case bulletin na 59.1 percent ng mga active infections ay may mild syptoms, 18.61 percent ay nasa moderate condition, 11.5 percent ang may malubhang sintomas, 5.9 percent ay asymptomatic, at 4.9 percent ang nasa kritikal na kondisyon.

Tumaas din sa 99 hanggang 45,808 ang bilang ng mga nasawi sa sakit.

Samantala, ang recovery tally ay umabot na sa 2,748,069 matapos ang 2,393 na mga bagong pasyenteng nakaligtas mula sa viral disease.

Nasa kabuuang 2,819,341 Pilipino na ang nagkasakit ng COVID-19 mula noong nakaraang taon, sabi ng DOH.

Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19, pinaalalahan ng DOH ang publiko na manatiling mapagmatyag.

“Kung maari, iwasan ang mga matataong lugar, at paglabas ng bahay kung hindi naman kailangan. Isaisip ang pagsunod sa minimum public health standards at magpabakuna na ang hindi pa nababakunahan,” sabi ng ahensya.

Analou de Vera