Inanunsyo ng Pasig City local government nitong Linggo, Nob. 14, ang pamamahagi ng cash card para sa mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) na naglalaman ng kanilang connectivity allowance na makatutulong sa kanilang online classes sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa isang Facebook post, sinabi Pasig City Mayor Vico Sotto na nakatanggap ang mahigit 3,000 PLP students ng connectivity allowance na nagkakahalagang P500 kada buwan na ipinamamahagi kada semestre sa kabuuang P2,500.

Sinabi rin ni Sotto na ngayong linggo maaari nang makuha ng mga estudyante ang kanilang unang P2,500 allowance at maghintay ng susunod na anunsyo.

Nagpasalamat din ang mayor sa staff ng PLP at LandBank sa kanilang pagtatrabaho sa araw ng Linggo para mailabas ang connectivity allowance.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Patrick Garcia