Sinabi ni Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco “Isko Domagoso” nitong Lunes, Nob. 15 na mas maraming oportunidad sa trabaho at ang madaling acess sa iba pang pangunahing pangangailangan sa malalayong lugar sa bansa ang maaaring magwakas sa “decade-long insurgency.”

“Yung insurgency, it boils down to hanapbuhay. Kung walang hanapbuhay yung tao, naitutulak siya sa pader. Katulad sa isang highly-urbanized city, Manila for that matter, kapag gutom ang tao, ang tendency ay mamerhuwisyo ng kapwa niya,” sabi ni Domagoso sa midya sa isang panayam sa kanyang pagbisita sa Oriental Mindoro nitong Lunes, Nob. 15.

Umusbong ang insurgency ng mga komunista sa bansa sa muling pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong Disyembre 26, 1998. Itinatag din nito ang armadong militar, ang New People’s Army (NPA) noong Marso 29, 1969.

Naniniwala ang presidential aspirant na walang “lalaban sa gobyerno” kung magbibigay ang national government ng mas maraming oportunidad sa trabaho, access sa edukasyon at mas maayos na healthcare system.

Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria

“I think that’s the way to do it, to give opportunity sa ating mga kababayan, lalo na sa far-fliung areas, kasi yun ang madaling makumbinse,” sabi ni Domagoso.

Kung mahalal bilang pangulo sa susunod na taon, sinabi ni Domagoso na lilikha siya ng mas maraming negosyo na magbibigay at lilikha ng mas maraming trabaho para sa publiko.

“What matters most to me, if given the chance, in the coming months is to create more business. With business, we can create more jobs. With jobs, mapapanatag ang buhay ng tao,” sabi niya.

Nasa Oriental Mindoro si Domagoso, ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong at ang senatorial candidates ng Aksyon Demokratiko na sina Dr. Carl Balita, Samira Gutoc at Jopet Sison para sa kanilang “Listening Tour.”

Andrea Aro