Humigit-kumulang 400,000 bata na may edad 12 hanggang 17 taong-gulang ang nakabunahan na laban sa coronavirus disease (COVID-19) ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni FDA Director-General Rolando Enrique Domingo na hindi bababa sa 10 bata ang nakaranas ng adverse events following immunization (AEFI).

Kabilang sa mga side effect na naranasan ay ang pananakit ng katawan, allergy, at hyperventilation. Lahat naman sila ay maayos na napangasiwaan, ani Domingo.

“So far, yung monitoring natin, siguro mga 400,000 na yung nabakunahan na mga bata, wala naman tayong nakikita na adverse events na grabe, na talaga pong nagkaroon ng problema,’ sabi ni Domingo sa isang panayam sa DZBB nitong Linggo, Nob. 14.

National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA

Hinikayat ng opisyal ang mga magulang at kanilang mga anak na agad na magpabakuna laban sa viral illness.

Ang mga may comorbidity lamang ang kinakailangan magpakita ng medical certificate galling sa kanilang doktor.

“Hindi naman kailangan ng medical certificate para magpabakuna ng bata 12 to 17. Basta walang sakit at pupunta sa vaccination centers, pwede naman bakunahan,” sabi ni Domingo.

Nasa kabuuang 12,722,070 bata na edad 12 hanggang 17 taong-gulang ang mayroon sa bansa base sa datos ng Department of Health.

Analou de Vera