Ibang 'Manny Pacquiao' ang bumungad sa Twitter world nitong Nobyembre 13, sa kabila ng mga nangyayaring 'plot twist' sa nangyayari sa mundo ng politika.

Ibinahagi niya kasi ang mga larawan nila ng misis na si Jinkee Pacquiao, nang dumalo sila bilang wedding sponsors sa isang kasalan sa Cebu City.

Hindi naman talaga matatawaran ang angking-ganda ng kaniyang misis. Saad niya sa kaniyang tweet, para daw silang dadalo sa kanilang sariling renewal of vows. Si Jinkee lamang daw ang babaeng nais niyang makasama habambuhay.

"It’s like renewing our vows each time we attend a wedding. She’s the only woman I wanna spend the rest of my life with," saad ni Manny na may hashtag na '#ABondToLastALifetime'.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Manny at Jinkee Pacquaio (Larawan mula sa Twitter)

Nagkita sina Manny at isa pa niyang katunggali sa pagka-pangulo na si Vice President Leni Robredo sa naturang kasalan, na ginanap sa Iglesia ni Cristo Locale.

Ayon sa presidential aspirant na tuloy daw ang laban sa pagka-pangulo sa kabila ng kaliwa't kanang substitutions sa kaniyang mga posibleng makatunggali.

Umurong na sa kandidatura si Senador Ronald 'Bato' Dela Rosa at ang pumalit sa kaniya ay si Senador Bong Go, at matunog na ang magiging running mate niya ay si Pangulong Rodrigo Duterte.