"We only live once kasiii kaya itodo na natin!!!, iniwan kasi ako beh…"

Aliw na aliw ang mga netizens kay Louie Parnala, 17 anyos, SHS student mula sa Cavite National High School-Senior High School Department. Bakit nga ba hindi? Agaw-pansin si Louie dahil nagpunta siya sa paaralan para magpasa ng modules niya---at kabogera siya dahil ang sikat na American model na si Gigi Hadid ang peg niya.

Salaysay sa Facebook post ng kaklase at kaibigang nagbahagi ng kaniyang mga litrato at video na si Akihero Jinzai Samaniego, nagulat siya nang makita niya si Louie.

"Magpapasa ka din po ng module/outputs?" tanong ni Akihero.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sagot ni Louie, "Yes! Kailangan natin mag-aral para maging abogado."

"Bakit ganyan ang outfit mo? Anong inspiration niyan?" muling tanong ni Akihero.

"We only live once kasiii kaya itodo na natin!!!, Iniwan kasi ako beh…" wika pa ni Louie.

"HAHAHAHAHAHAHAHA MAIIHI NA TALAGA AKO KAKATAWA KANINA!!! PANALO TO!!!! KABOGERANG TUNAY!!!!"

May be an image of 5 people, people standing and outdoors
Louie Parnala (Larawan mula sa FB/Akihero Jinzai Samaniego

May be an image of one or more people and people standing

May be an image of 2 people and people standing
Louie Parnala (Larawan mula sa FB/Akihero Jinzai Samaniego

Kuha ang mga litrato nito lamang Nobyembre 8, 2021 habang papasok si Louie sa school campus.

Si Gigi Hadid ang inspirasyon ni Louie sa kaniyang outfit na pangarap ngang maging abogado kaya nagsusumikap sa pag-aaral. Hindi naman akalain ng magkaibigan na magiging viral ang post na ito at makakapanayam pa siya sa isang TV newscast.