Sasabak na rin sa pulitika ang nagretirong hepe ng Philippine National Police na si Guillermo Eleazar dahil tatakbo ito sa pagka-senador sa 2022 national elections.
"Yes, I confirm that he will run under Partido Reporma to substitute for Paolo Capino who has announced his intention to withdraw from the senatorial race yesterday,"pahayag ng presidential candidate at senador na si Panfilo Lacson.
Si Eleazar ay tatakbo sa ilalim ng Partido Reporma.
Naiulat na posibleng okupahan ni Eleazar ang puwesto ng kapartdongsi Paolo Capino nang umatras sa pagtakbo sa pagka-senador.
Idinahilan ni Capino, maliit lamang ang pagkakataon na mananalo ito sa eleksyon sa Mayo 9 sa susunod na taon.
Sa naunang pahayag ng Commission on Elections (Comelec), hanggang Nobyembre 15 na lamang ang itinakda nila para sa mga nais mag-apply para sa pagpapalit ng kandidato o umurong sa kanilang kandidatura.