Kakandidato na si Senator Lawrence "Bong" Go sa pagka-presidente sa 2022 national elections.

Ito ay nang iatras nito ang kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente at naghain ng bagong certificate of candidacy (COC) nito para sa pinakamataas na puwesto sa bansa.

Bago ito, nagtungo si Senator Ronald "Bato" Dela Rosa sa Commission on Elections (Comelec) upang iuros ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente sa 2022 national elections.

Nauna nang nagpahiwatig si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pamamagitan ng kanyang social media post nitong Sabado na tatakbo sa pagka-pangulo si Go.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

"The long wait is almost over. Ang Presidente ko ay si Bong Go #presidentbonggo #BongGo 2022 #presidentbonggo2022" ang bahagi ng post ni Andanar sa kanyang Twitter account.

Kasama rin sa ipinost ni Andanar ang mga larawan nila ni Go habang sila ay nag-uusap sa dinaluhan nilang event, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.