Isinugod sa ospital ang 50 na kawani ng Pasay City Treasurer’s Office, dalawang janitor at isang mamamahayag matapos umano silang malason sa kinaing pansit nitong Miyerkules.

Kabilang si Amor Virata, publisher ng lingguhang pahayagang “People’s Lider” sa nabiktima ng food poisoning.

Gayunman, ipinaliwanag ni Ciity Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) chief Mico Llorca, nagpapagaling na sa kani-kanilang bahay ang karamihan sa mga nalason, maliban sa janitor na siMarvic Bacanay na nakaratay pa rin saPasay City General Hospital.

Paliwanag naman ni Virata, bumisita lamang siya sa Treasurer's Office matapos imbitahan ng isa sa staff na nagdiriwang ng kaarawan nang maganap ang insidente.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

Jean Fernando