Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 1,997 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Umaabot na ngayon sa 2,815,080 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa case bulletin No. 609 ng ahensya.

Sa naturang kabuuang bilang, 1.0% na lamang o 29,382 ang aktibong kaso o may potensiyal pang makahawa.

Sa mga active cases naman, 63.3% ang nakakaranas ng mild symptoms, 16.34% ang moderate cases, 10.1% ang severe cases, 5.6% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 4.3% ang kritikal.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Mayroon ding 1,696 mga pasyente ang nakarekober sa karamdaman kaya sa kabuuan, nasa 2,740,426 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.3% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 238 pasyente ang binawian ng buhay sa virus.

Idinagdag pa ng DOH, nasa 45,272 na ang kabuuang COVID-19 deaths sa bansa o 1.61% ng total cases. 

Mary Ann Santiago