Wala pang isang linggo matapos i-withdraw ang kanyang kandidatura bilang reelectionist ng Davao City, bumitiw sa puwesto si Mayor Sara sa Hugpong ng Pagbabago, isang regional political party sa Mindanao na kanyang binuo noong 2018.

Sa isang sulat kamay na resignation letter noong Nobyembre 10, 221, aniya: “It is with profound sadness that I hereby tender my resignation from our beloved party.” “My support will always be with you and I will always be grateful for all the things you have taught me. Daghang Salamat."

Naglabas naman ng pahayag ang HNP tungkol sa pagbitiw sa puwesto ni Mayor Sara.

“At 9:30 am today, 11 November 2021, Mayor Sara Z. Duterte tendered her resignation from Hugpong ng Pagbabago,” ayon kay dating Davao del Norte Gov. Anthony Del Rosario, HNP secretary general.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“While we are saddened by her resignation, we however wish her all the best in her future plans," dagdag pa niya.

Kung sakaling tatakbo siya sa 2022 national election, pinagbawalan si Mayor Duterte na sumali sa natonal race bilang substitute candidate nang hindi sumasali sa isang national political party.

Nilinaw ito ni Commission on Elections spokesman James Jimenez na kailangang sumali ni Mayor Duterte sa isang national political party upang maging kwalipikado bilang substitute candidate para sa isang national post.

“If she is going to substitute, then she will have to join a political party that already has a candidate for whatever position she wants to substitute,” an Jimenez sa media interview nitong Huwebes.

Gayunman, wala pang dinedeklara ang presidential daughter kung saang political party siya sasali kung sakaling may plano siyang tumakbo sa isang national post.