Muling pumasok sa Top 20 ng Billboard Hot 100 Chart ang Halloween classic ni Michael Jackson na “Thriller” matapos ang 37 taon.

Para sa ikalawang linggo ng Nobyembre, umakyat sa Top 19 ng Billboard Hot 100 ang smash disco hit na Thriller ng yumaong King of Pop na si Michael Jacskon.

Ayon sa ulat ng Pop Updates nitong Martes, Nob. 9, umabot ng 37 years ang muling pagpasok ng kanta sa naturang chart matapos una itong mag-peak bilang Top 4 taong 1984.

Tinatayang umabot sa 110 milyong kopya ang naibenta ng conceptual classic na ito ng King of Pop mula noong unang ilabas taong 1983.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Samantala, patuloy na namamayagpag sa nasabing chart bilang Top 1 ang latest single ni Adele na “Easy On Me” sa ikaapat na linggo.