Nabakunahan na ang 2,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong araw, Nobyemre 10, sa Labor Governance Learning Center (LGLC), DOLE Building sa Intramuros, Manila.

Pinangunahan ni Kalihim Silvestre Bello III ang nasabing programa.

Ayon kay Bello, ilan sa 2,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ay ibinigay ng gobyerno ng Brunei sa Pilipinas.

“I personally thank the Brunei government for donating the vaccines for our general population, specifically our OFWs. This will not only help accelerate the administration of the vaccines to thousands of Filipinos but will fast-track the deployment of our OFWs abroad,” ani ng kalihim.

National

Rep. Wilbert Lee, nakatanggap ng ethics complaint dahil sa ‘improper conduct’

Ayon sa programa, "first come, first serve" ang sistema ngunit pauunahin ang mga OFW na ide-deploy sa Brunei.

Dagdag pa ni Bello, ilan sa mga recruitment agencies sa bansa ay inabisuhan na magpabakuna na ang mga hindi pa bakunadong OFWs.

Kaugnay rito, nakipag-ugnayan rin si Bello sa lokal na pamahalaan ng Maynila partikular na sa Local Health Department ng nasabing lungsod upang maging matagumpay ang programa kontra COVID-19.